Thursday, March 3, 2011

MY SISSY GIRL

Sam: Anong ibig n'yong sabihin?
Ate Dhemy: Kasi Sam, itong si Devon gustong sumali sa isang dance competition kaya lang ....
Sam: Kaya lang, ano?
Ate Dhemy: Dapat magkapartner ang sasali sa competition na iyon.
Sam: At????
Ate Dhemy: So since magaling kang sumayaw. Di ba nanalo kapa nga noong nasa Cebu pa tayo. Noong  
               nasa higschool pa kayo?
Sam: Oo, pero ano ba ang ibig n'yong sabihin???
Devon: ( galit kay Sam) ang ibig sabihin ni ate , eh ikaw ang magiging partner ko! Kung pwede ba sa'yo?!
             Ha! pwede ba o hindi sabihin mo lang!
Ate Dhemy: ( kinurot si devon sa may tagiliran n'ya at binulungan s'ya) ano ba, gusto mo bang sumali o ayaw    mo?
Devon: ( bumubulong sa kanyang ate) Gusto!
Ate dhemy: ( bumubulong din)  'yon pala! Ayusin mo ang pagkasabi mo sa kanya.
Sam: ( nakasmile lang at tinitigan ang magkapatid )
Devon: ( tumingin kay Sam at... ) A-a-a-a Sa-a-m , gusto ko sanang ikaw 'yong magiging partner mo. Kung okay lang sa'yo?
Sam: Ayaw ko nga! ( nakasmile)
Devon: Anong! ( kinurot ulit nang kanyang ate ) kasi. itong si Sam, kasi.... ( napipikon )
Sam: ( nakasmile pa rin at ) Hindi, joke lang. Syempre gusto ko! Gustong-gusto ko.
Devon: ( nagulat sa sinabi kay Sam at walang nasabi . Akala n'ya kasi na hindi ito papayag dahil nangako na itong hindi na sasayaw ulit ).
Ate dhemy: Sigurado ka?
Sam: Syempre basta kay Devon. ( at tumingin kay Devon na tila nakatulala )

Pagkatapos ng kanilang usapan ay umalis na si Sam sa kanilang kwarto. At lumipas na ang oras, gabi na. Umalis na ang kanyang ate dhemy para pumunta sa kanyang trabaho. Sa call center nagtatrabaho ang kanyang ate dhemy at nasa night shift ito inilagay kaya tuwing gabi mag-isa lang si Devon.Si Devon naman sa mga oras na 'yon ay nasa kanilang higaan. At iniisip si Sam dahil akala niya na hindi ito papayag dahil sa isang pangyayari.

Thursday, February 17, 2011

my sissy girl

ate dhemy: Ba't ba tinanghalian ka gumising? siguro gumala ka kagabi, noh?
devon: Naku!!! ..... hindi ate napagod lang ako sakalinis-linis dito sa kwarto natin.
ate dhemy: Talaga?!
devon: (ginalaw ang ulo ng pataas pababa ) oo, ate. Promise.

  Natigil nag kanilang pag-uusap ng bilang may-kumatok sa kanilang pintuan.

ate dhemy: Naku, ha.Bumangon kana d'yan.
devon: opo.........( umalis sa hinigaan ni devon ang kanyang ate dhemy) haaaai...... akala ko mabubuking na ako.( tumigil sa pagsasalita).
ate dhemy: devooooon! andito si Sam may-dalang sinigang. Ay! salamat nito Sam,ha.
sam: walang anuman,ate.
ate dhemy: ha!? ano 'yon?
sam: a, ang sabi ko walang anuman 'yon basta kayo.
   Lumabas si Devon sa kanilang hinihigaan.
devon: ano ba!?
ate dhemy: andito si Sam. ( ipinatong ang sinigang sa lamesa).
devon: ba't ang aga naman niyang gumala dito?
ate dhemy: hoy! devon sabihin mo nga ang totoo. Kayo na ba ni Sam?
devon: ( nagulat sa sinabi ng kanyang ate) Ano! Naku.. naku... ate hindi, noh!
ate dhemy: talaga?
devon: Syempre naman, ate. Were just FRIENDS. ( showbizzzzz...).

  Pinuntanhan niya si Sam na nasa may-pintuan.
devon: o, ano ang kailangan mo, ha?
sam: ( nag-smismile) Good Noon. ( nag-smismile pa rin).
devon: anong nangyari sa'yo?
sam: gusto ko sanang humingi nang-sorry.
devon: ba't hihingi ka nang-sorry. Nag-away ba tayo?
sam: no'ng kagabi? nakalimutan muna ba?
devon: a...... kagabi. Ayoko ko nga! ( at isinara ang pinto).
   Ngunit nakita s'ya nang kanyang ate dhemy.
devon: a, ate. hehehe... ( napakamot sa kanyang ulo at binuksan ulit ang pinto). O, sige na.Pinapatawad nakita. ( nasa isip lang n'ya " para naman kaming mag-syota nito").
sam: hai, salamat. Talaga pinapatawad muna ako? Sincere kaba?
devon: parang ayaw mo yata, eh.
sam: hindi..... gusto ko! Wala na yang bawian,ha? O, sige pupunta muna ako sa kwarto ko.
  Babalik lang ako d'yan. Sige! thank you.
devon: ( nakasmile na nakatingin kay Sam).
 
    Mga bandang hapon na, nanonood ng television si Devon nang bilang napasigaw s'ya. Nagulat ang kanyang Ate Dhemy  na papalabas nasa kanilang higaan. Nakasuot na nang damit pag-opisina. Napatakbo ang kanyang Ate Dhemy sa sala at doon niya nakita si Devon nakaupo sa sofa.

  Ate Dhemy: Anong nangyari sa'yo ?
  Devon: ha? wala naman.
  Ate Dhemy: ba't ka sumigaw kanina?!
  Devon: anong kanina?
  Ate Dhemy: kanina sumigaw ka.
  Devon: aaaaaa, wala 'yon.
  Ate Dhemy: anong wala! alam mo ba napatakbo ako mula sa kwarto hanggang dito sa salas. Akala ko may nangyari sa'yo.
   Devon: sorry... hehehe.
  Ate dhemy: sorry ka d'yan.
  Devon: Eh, kasi may-audition sa ABS-CBN. Naghahanap sila ng mga magagaling sumayaw.
  Ate dhemy: Eh, magaling kabang sumayaw. Di ba hindi ka nga nananalo sa pagkontes na'yan.
  Devon: subok lang naman,eh. Di ba may kasabihang " there's no harm in trying."
  Ate dhemy: may pakasabihan kapa d'yan. Hindi pwede!
  Devon: ano bakit naman???
  Ate Dhemy: basta! hindi pwede.
  Devon: sige na please...... ( nagpupuppy eyes )
  Ate dhemy: Hindi nga pwede!
  Devon: bakit naman, ate?
  Ate dhemy: Kasi ang hinahanap nila ay mag-partner. Ayon o. ( itinuro ang television gamit ang kanyang nguso).
  TV: " Magaling kabang sumayaw ng hip hop. Well, kayo ang hinahanap namin.! Mag-audition nasa
ABS-CBN North gate Compound tuwing 9 n.u hanggang 5 n.h. At hanapin lang si Cecil. Dapat mag-partner, babae at lalaki. Dalhin lang iyong cd na naglalaman nang kanta ng inyong sayaw at magpakitang gilas na!
   Ate dhemy: hindi pwede kasi, walang kang kapartner na lalaki.
   Devon: ano naman 'yan. Akala ko individual hindi pala. ( malungkot naupo sa sofa si Devon at napabuntong hininga).
   Natahimik ang mag-ate. Nang bilang may kumatok sa kanilang pintuan. (tok! tok!).
  Ate dhemy: ( binuksan ang pinto at bilang napasabi kay Devon na.. ) Alam ko na!
  Devon: ( tumingin sa kanyang Ate na nasa pinto at nakita n'ya si Sam sa labas ng pintuan).                 
















 

Tuesday, January 11, 2011

my sissy girl

Aling Nena : Saan kayo galing?
  Gulat na gulay si Devon at hindi niya maigalaw ang kanyang bibig. Si Sam naman ay pababa palang sa pader. Agad hinarap ni Sam si Aling Nena na nasa likod lang nya.

Sam: Eh, kasi Aling Nena pumunta po kami sa... ( hindi naituloy ang kanyang sasabihin dahil sa tinakpan ni Devon ang kanyang bibig sa pamamagitan ng kanyang kamay).
Devon: Galing po kami sa labas para bumili ng pagkain. Kaso sarado po yong tindahan dyan sa may- kanto.
Aling Nena: Bakit wala na ba kayong pagkain?
Devon: Naubusan po kami ng pagkain. Kasi itong si Sam nag-anyayang kumain.Eh, wala na palang pagkain sa ibaba.
Aling Nena: Ganon ba? Sige sumunod kayo sa akin at bibigyan ko kayo. Marami pa siguro akong instand noodles doon sa kabinet ko.
Devon: Sige po. Susunod po kami.
  
   Nang nakatalikod na si Aling Nena at pumunta nasa loob ng bahay. Ay bilang ikinalabit ni Sam si Devon naikinagulat nito.
Devon: Ay butiki! ( at lumingon sa kanyang likuran). ano ka ba?
Sam: Ba't ka naman nagsinungaling?
Devon: Alangan namang hahayaan kitang sabihin mo yong totoo. Gusto mo bang isumbong tayo non sa magulang mo sa Cebu at sa ate dhemy ko?
Sam: hindi!
Devon: iyon pala, eh. Tumahimik ka na lang , okay?!
  Umalis na si Devon papunta sa loob ng bahay. Si Sam naman ay napakamot nalang sa kanyang ulo at sumunod na rin kay Devon.

Nang nasa loob na sila Devon at Sam , sinabihan sila ni Aling Nena na doon nalang sila sa kusina maghintay.
Nasa kusina sila at ang tahimik nilang dalawa doon. hindi sila nagkibuan doon. At dumating sa Aling Nena galing sa itaas na maydalang dalawang instand noondles.
Aling Nena: O, ayan. ( inilagay sa lamesa ang instand noodles). Kayo nalang ang bahala maglagay ng mainit na tubig.
Devon: sige po, salamat.
Aling Nena: O, ano iiwanan ko na kayo dito. Pakipatay nalang sa ilaw dito pagkatapos ninyong kumain.
Devon: opo.
Sam: opo, aling nena.
Devon: o, ayan yong sayo! ( inilagay sa harapan ni Sam ang instand noodles at saka tumayo para lagyan yong sa kanya ng mainit na tubig).
Sam: ( sinundan ng tingin si Devon at saka tumayo daladala ang instand noodles).
  Lalagyan na sana ni Devon ang kanyang instand noodles nang bilang nagkahawakan sila ng kamay ni Devon at Sam. Tinignan ni Devon si Sam ganon din si Sam tinignan niya si Devon. Bilang naudlot ang kanilang titigan ng kinuha ni Devon ang kanyang kamay.Si Sam ay nag-smile lang.
Sam: ako na lang ang maglagay ( nag-smismile habang nilagyan niya ang kanilang instand noodles).
      Nang matapos niya itong lagyan ay ibinigay niya ito kay Devon na naka-smile pa rin.
Sam: ito yong noodles mo.
Devon: ( biglang kinuha at natapunan sya nang sabaw nito). Ah! ang init!
Sam: ( inilagay ang noodles sa lamesa. At kumuha ng trapo para pahiran ang damit ni Devon na natapunan ng sabaw). Okay ka lang ba?
Devon: Oy! bakit ba ang rumi niyang trapo mo?! ( galit na inalis ang kamy ni Sam).
    Galit na tingnan n'ya si Sam at umalis sya sa kusina. Napakamot ulit sa kanyang ulo si Sam at tinignan ang trapo na kanyang hawak sa kaliwang kamay niya. Nang biglang bumalik si Devon sa kusina. Tumingin si Sam kay Devon.
Devon: nakalimutan ko ang noodles ko!( at umalis ulit sa kusina).
     Sa kanilang kwarto kumain si Devon. At pagkatapos kumain ay nakatulong na ito dahil sa sobrang antok at pagod.
     Si James naman ay pumunta sa  isang disco bar. Umupo s'ya sa isang lamesa na walang tao. Tumitingin lang sya sa mga taong sumasayaw doon. Nang sya ay tumitingin sa mga tao ay biglang may nakita siyang isang babae na mag-isa lang sa isang lamesa. Wala s'yang kasama at katulad din n'ya ay tinitignan din niya ang mga taong sumasayaw doon. Tumayo si James at umalis sa kanyang pwesto . Pinuntahan niya ang babae sa kabila table.
 James: Excuse me. Seems like your alone? May i join?
 Babae: yes, you may. ( ito lang ang nasagot sa babae dahil sa nabigla ito sa kanyang kausap dahil hindi niya akalain na may lalapit sa kanya doon na isang gwapong lalaki).
 James: Don't you have friends here?! ( nilakas ang kanyang boses dahil sa ingay ng music).
 Babae: Ha?! ( hindi narinig ang sinabi ni James).
 James: I said don't you have friends here?
 Babae: Ah! wala ako kaibigan dito.
 James: So why you come here alone?
 Babae: Nothing! just to enjoy myself!
       Tinignan ni James ang babae. Habang tinitignan nya ito ay nakita niya ang paa ng babae na gumagalaw.Sinusundan ang beat ng music. Kaya tinanong niya ito ulit ang babae.
 James: Do you like to dance?
 Babae: Ha! ay ayoko! ( nahihiya nitong tugon).
 James: (tumayo sa kanyang upuan at inalok ang babaeng sumayaw). Come lets dance. ( inabot ang kamay nito sa dalaga).
 Babae: Ha? ( tiningnan ang kamay ni James at hindi na nagdalawang isip. At hinawakan ang kamay ni James.Si James naman ay inalalayan ang dalaga sa pagtayo hanggang sa dancefloor).
      Hindi na nagdalawang isip ang dalaga dahil naisip niya na sino ba naman sya para tanggihan ang isa alok sa isang gwapong nilalang na ito. Habang nagsayawan sila ay biglang may dumating na isang maputing nilalang at lumpit sa kanila. Nagulat ang dalaga dahil binunot s'ya sa maputing nilalang ito at dinala siya ginta ng dancefloor at doon sya binugbog nang bonggang-bongga. Wala siyang nagawa dahil maraming kasama ang maputing nilalang na ito.
 Babae: Aaaaaaaaaaaaaaaaaaah!
   Nang biglang.............
Ate Dhemy: devon!devon!devon! Gising na. Tanghali na.
Devon: ( nakagising sa kanyang panaginip) Ha? ( idinilat ang kanyang mata. At nakita niya ang kanyang ate dhemy sa kanyang harap na ginigising s'ya). Ano ba ,ate! ( kumuha s'ya ng unan at ninakpan ang mukha).
Ate dhemy: Ano ba gumising ka na d'yan, ha? ( kinulit nang kinulit niya si Devon hanggang sa......)
Devon: oo na! ( inalis ang unan sa kanyang mukha). Ayan gising na po! ( bumangon sa higaan).