Thursday, March 3, 2011

MY SISSY GIRL

Sam: Anong ibig n'yong sabihin?
Ate Dhemy: Kasi Sam, itong si Devon gustong sumali sa isang dance competition kaya lang ....
Sam: Kaya lang, ano?
Ate Dhemy: Dapat magkapartner ang sasali sa competition na iyon.
Sam: At????
Ate Dhemy: So since magaling kang sumayaw. Di ba nanalo kapa nga noong nasa Cebu pa tayo. Noong  
               nasa higschool pa kayo?
Sam: Oo, pero ano ba ang ibig n'yong sabihin???
Devon: ( galit kay Sam) ang ibig sabihin ni ate , eh ikaw ang magiging partner ko! Kung pwede ba sa'yo?!
             Ha! pwede ba o hindi sabihin mo lang!
Ate Dhemy: ( kinurot si devon sa may tagiliran n'ya at binulungan s'ya) ano ba, gusto mo bang sumali o ayaw    mo?
Devon: ( bumubulong sa kanyang ate) Gusto!
Ate dhemy: ( bumubulong din)  'yon pala! Ayusin mo ang pagkasabi mo sa kanya.
Sam: ( nakasmile lang at tinitigan ang magkapatid )
Devon: ( tumingin kay Sam at... ) A-a-a-a Sa-a-m , gusto ko sanang ikaw 'yong magiging partner mo. Kung okay lang sa'yo?
Sam: Ayaw ko nga! ( nakasmile)
Devon: Anong! ( kinurot ulit nang kanyang ate ) kasi. itong si Sam, kasi.... ( napipikon )
Sam: ( nakasmile pa rin at ) Hindi, joke lang. Syempre gusto ko! Gustong-gusto ko.
Devon: ( nagulat sa sinabi kay Sam at walang nasabi . Akala n'ya kasi na hindi ito papayag dahil nangako na itong hindi na sasayaw ulit ).
Ate dhemy: Sigurado ka?
Sam: Syempre basta kay Devon. ( at tumingin kay Devon na tila nakatulala )

Pagkatapos ng kanilang usapan ay umalis na si Sam sa kanilang kwarto. At lumipas na ang oras, gabi na. Umalis na ang kanyang ate dhemy para pumunta sa kanyang trabaho. Sa call center nagtatrabaho ang kanyang ate dhemy at nasa night shift ito inilagay kaya tuwing gabi mag-isa lang si Devon.Si Devon naman sa mga oras na 'yon ay nasa kanilang higaan. At iniisip si Sam dahil akala niya na hindi ito papayag dahil sa isang pangyayari.