Monday, November 22, 2010

Habang si James ay hindi mapakali sa babaing natumba doon sa mall. Sina Sam at Devon naman ay magkasamang umuwi. Ngunit si Sam lang ang naglalakad dahil buhat-buhat niya si Devon sa kanyang likuran.

Sam: wow........ ang bigat muna pala, Amiga ko! ( ito ang tawagan nila kapag nasa mood silang dalawa)
Devon: ano??? sinong bang may sabing ibuhat mo ako sa likuran mo? ha! ( hindi nakinig si Sam sa sinabi ni Devon sa kanya)
Sam: grabe....... talo mo pa ang bigat ng isang elepante!
Devon: ah...gano'n,ha? ( pinikot ni devon ang tenga ni Sam)
Sam: ahhhhhhh... ba't mo ginawa 'yon?
Devon: hindi ka kasi nakikinig sa akin.
Sam: 'yan pala ang gusto mo, ha. ( tumakbo si Sam ng mabilis habang buhat-buhat niya si Devon)
Devon: hoy! mahuhulog ako.. ( hindi nakinig si Sam kay Devon. Imbes sundin niya ang sinabi ni Devon ay tumakbo pa ito ng mabilis)
Devon: hoooooooooy nakinig ka ba? ( tumawa lang si Sam. Habang tumatakbo si Sam ay may nakita si Devon na isang pampasaherong jeep. Tinapik kaagad niya si Sam sa balikat nito)
Devon: sandaling, amigo ko!
Sam: ha? bakit?
Devon: may jeep, o. ( itinaas nito ang kanyang kamay at itinuro ang jeep. Nakita ito ni Sam kaya tumakbo ito papalapit sa jeep habang binubuhat si Devon sa likuran niya)
Sam: Sandalilang po, Manong!
Devon: sasakay po kami, Manong! ( tumingin sa may salamin ang driver ng jeep at nakita niya ang dalawang kabataan. Hininto nang driver ang jeep at pinasakay ang dalawang kabataan)
Sam: sige na, amiga ko bumaba ka na sa likod ko. ( dahan-dahang umupo si Sam para makababa ang dalaga. At nang makababa na ang dalaga ay inaalalayan nito sa may pintuan ng jeep para makaupo ang dalaga at sumunod naman ang binata. Umupo sila sa harapan katabi ng driver)
 
Samantala naman sila James  at ang kanyang kasamahan ay nag-aanyayahan ng umuwi. Ang saksakyan na kanilang sinakyan galing sa MOA ay pumarada nasa compound ng abs-cbn. Unang umuwi si Bret kasama si Fretzie para  ihatid ito sa kanila gamit ang kanyang sasakyan. Sumunod naman si Ivan. Pumasok na siya sa kanyang sasakyan at dahil malaki ang lugar ng kanyang sasakyan ay sumbay na sa kanya sina Ryan, jenny, carson, kyra at joe. Si Tricia naman ay mag-isang umuwi dahil sinundo ito ng kanyang personal driver. Huling lumabas sa compuond si James kasama si Annli para ihatid ito sa kanila. Habang papunta na sila sa bahay ni ann li ay tahimik lang ito nagmamaneho hanggang sa dumating na sila sa bahay ni annli. Unang lumabas si James para buksan ang pintuan ng sasakayan para kay Ann li.
 
Ann li: Thank you sa paghatid sa amin, James. ( hahalikan sana ito sa pisngi ngunit umiwas ang binata)
James: Ann, you need to go inside. It's already late.
Ann li: okay, thanks for ride. Goodnight.
James: Goodnight to you, too.
 
Sina Sam at Devon naman ay nakarating nasa kanilang boarding house. Ngunit hindi sila makapasok dahil nakagandado nasa loob ang gate. May curfew ang may-ari ng boarding house na kanilang tinutuluyan. Kapag nasa alas-diyes na ng gabi dapat ay nasa kuwarto na ang lahat. Pero ngayon ay nasa labas sila Sam at Devon hindi alam kung paano makakapasok sa loob. Ngunit may naisip ang binata.
 
Sam: Alam ko na,amiga ko! Kakatok nalang tayo tapos tawagin nalang natin si Aling nena ( ang may-ari ng boarding house)
Devon: sira ka ba! ayoko nga!
Sam: bakit naman?
Devon: eh, kung kakatok tayo tapos tatawagin pa natin si Aling nena hindi ba tayo pagagalitan no'n.!!!? mag-isip ka nga..!!
Sam: alam ko naman 'yon. Pero may iba ka bang naisip? ( tumahimik si Devon at biglang........)
Devon: aha! alam ko na.
Sam: ano?
Devon: simple lang... aakyat tayo sa may- pader.
Sam: ha? okay ka lang!!!?
Devon: oo, naman. Bakit ayaw mo ba?
Sam: hindi naman sa ayaw. Kaya lang ikaw ang inaalala ko di ba masakit pa yang likod mo?
Devon: 'yong pagtumba ko sa mall? okay na ang likod ko kanina pa habang binubuhat mo ako. O, ano game ka ba?
Sam: oh, sige. Pero ikaw ang mauuna.
Devon: syempre naman. ( at unang umakyat si Devon sa may-pader. Sumunod naman si Sam pero laking gulat nila ng nasa loob na sila ay nasa harapan nila si Aling Nena)
Aling Nena: Saan kayo galing!
 

1 comment:

  1. when po lalabas ang next chapter?? abangerz din me d2....

    ReplyDelete